Lunes, Hunyo 27, 2011

Pinakbet sa Gata with Litson Kawali on Top

  Mga Sangkap:

1/2 pork liempo
bagoong alamang
kalabasa
talong
okra
sitaw
ampalaya
sibuyas
kamatis
bawang
mantika
1 can/ pack coconut milk

Paraan ng pagluto sa Litson kawali:

ilagay ang liempo sa kaserola
lagyan ng tubig at asin
pakuluin hanggang lumambot ang liempo
kapag malambot na, salain ang liempo at palamigin
at kapag malamig na ang liempo...
i-lubog sa mainit na mantika... takpan
paminsan-minsan tignan para hindi masunog

Paraan ng pagluto sa Gulay::

lagyan ng mantika ang kaserola, 
igisa ang bawang, sibuyas at kamatis
ilagay ang bagoong alamang
haluin hanggang maluto ang bagoong
ilagay ang kalabasa, takpan ng 1 minuto
isunod ilagay ang talong, ampalaya, sitaw at okra
lagyan ng 1/2 cup na tubig... haluin
huling ilagay ang gata/coconut milk
takpan ng 1-2 minuto (sa mahinang apoy)


kapag luto na ang gulay... ilagay sa ibabaw ang litson kawali at pwede na ihain!

Maica's favorite! (my eldest daughter)

:-)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento